Unity Statement ng mga Konsehal, Alkalde, Gobernador, at mga Lokal na Tanggapan ng Kalusugan

July 25, 2026

Panawagan sa Pangulo: Gawing Prayoridad sa SONA ang Smoke-Free and Vape-Free Environment Bill para sa Proteksyon ng mga Bata at Mamamayan

Kami, mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan, ay nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing prayoridad sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang agarang pagpasa ng House Bill No. 9603 o ang Smoke-Free and Vape-Free Environment Bill.

Sa kabila ng mga umiiral na smoke-free policies sa lokal na antas, nananatiling exposed ang milyun-milyong Pilipino sa second-hand smoke at vape emissions sa mga pampublikong lugar at lugar ng trabaho.

Pinakamalaking biktima nito ang mga bata, kabataan, at mga sanggol sa sinapupunan. Dahil hindi pa fully developed ang kanilang mga baga at mahina pa ang kanilang resistensya, mas mataas ang tsansa nilang magkaroon ng mga sakit sa paghinga, hika, pulmonya, at iba pang pangmatagalang epekto dulot ng second-hand smoke at vape emissions.

Mahigit 112,000 Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo. Samantala, tinatayang P365 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa taun-taon dahil sa gastusing pangkalusugan, pagkawala ng produktibidad, at maagang pagkamatay na dulot ng paggamit ng tobacco products.

Mahalaga ang House Bill No. 9603 dahil magtatakda ito ng national standard para sa smoke-free at vape-free na kapaligiran batay sa mga matagumpay nang ipinatutupad na polisiya ng ilang lokal na pamahalaan.

Palalakasin ng panukalang batas na ito ang kakayahan ng mga LGU sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo mula sa local health budget para sa pagbuo ng mga local smoke-free and vape-free task force, epektibong law enforcement, at pagpapatupad ng mga programa laban sa mga sakit na dulot ng sigarilyo at vape.

Bukod sa pagpapalawak ng saklaw ng smoke-free at vape-free policy sa public spaces at workplaces, ipagbabawal na rin ng panukalang batas ang mga indoor designated smoking at vaping areas (DSVA) at magtatakda ng mahigpit na panuntunan para sa mga outdoor DSVA. Magbibigay din ito ng karagdagang pondo sa mga LGU sa pamamagitan ng koleksyon mula sa mga multa, kasabay ng pagpapatupad ng mas mahigpit na parusa laban sa mga lalabag sa smoke-free at vape-free policies.

Naniniwala kami na ang isang pambansang Smoke-Free and Vape-Free Environment Law ay magpapalakas sa mga umiiral na lokal na ordinansa at magtitiyak na ang bawat Pilipino, lalo na ang mga bata, saan man sila naroroon sa Pilipinas, ay may karapatang makahinga ng malinis na hangin sa lahat ng pampublikong lugar at lugar ng trabaho.

๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ๐ฌ

Governor Arthur Defensor, Jr. – Iloilo

Governor James Edduba – Kalinga

Governor Eugenio Jose “Bong” V. Lacson – Negros Occidental

๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ๐ฌ

Mayor Benjamin Magalong – Baguio City

Mayor Joy Belmonte – Quezon City

Mayor Alfredo B. Dacumos, Jr. – Sablan, Benguet

Mayor Roderick Chiok Awingan – La Trinidad, Benguet

Mayor Meekia Icasas, RN – Lezo, Aklan

Mayor Raisa Treรฑas – Iloilo City

Mayor Minez โ€œEmโ€ Hamor – Casiguran, Sorsogon

Mayor Ma. Ester Hamon – Sorsogon City, Sorsogon

Mayor Lawrence Lemuel Fortun – Butuan City

Mayor Ruffy Biazon – Muntinlupa City

๐•๐ข๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ

Vice Mayor Arvin Losaria – Lambunao, Iloilo

๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐จ๐ซ๐ฌ

Councilor Inday Labindao – Burungua, Aklan

Councilor Marina C. Buyco – Anilao, Iloilo

Councilor Eden Dequilla – Balasan, Iloilo

Councilor Amy O. Gabo – Concepcion, Iloilo

Councilor Liecel Mondejar-Seville – New Lucena, Iloilo

Councilor Jocelyn P. Espia – New Lucena, Iloilo

Councilor Ryan Torres Sala – New Lucena, Iloilo

Councilor Ariel Duran – Basey, Samar

Councilor Kirk Pedrajas – Pototan, Iloilo

Councilor Carl Clint Lingaya – Lambunao, Iloilo

๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ/๐‚๐ข๐ญ๐ฒ/๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ๐ฌ

Dr. Maria Socorro Quiรฑon, Iloilo Provincial Health Officer, Iloilo

Dr. Rodina P. Mondragon, Municipal Health Officer – Pototan, Iloilo

Dr. Mark Anthony Celestial, Municipal Health Officer – Concepcion, Iloilo

Dr. Karen Ann A. Gonzales, Municipal Health Officer – Anilao, Iloilo

Dr. Marjoe Renz Deita, OIC Municipal Health Officer – Dinge, Iloilo

Dr. Regine Viel Manderico, Municipal Health Officer – San Dionisio, Iloilo

Dr. Ma. Cristina Reala, Municipal Health Officer – New Lucena, Iloilo